
Dumating na sa Sandiganbayan ngayong umaga ang pito sa siyam na akusadong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-MIMAROPA na nakapiit sa New Quezon City Jail upang sumailalim sa arraignment.
Sangkot ang mga ito sa flood control project anomaly sa Najuan, Oriental Mindoro kasama ang pito pang indibidwal na kasalukuyang at-large.
Ito’y sina DPWH-MIMAROPA Regional Director Gerald Pacanan, Assistant Regional Director na sina Gene Ryan Altea at Ruben Santos.
Kasama rin ang iba pang opisyal na sina Dominic Serrano, Felisardo Casino, Dennis Abagon, at Montrexis Tamayo.
Haharap ang walo sa Sandiganbayan Fifth Division kasama ang kani-kanilang mga abogado na magrerepresenta sa kanila para sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Samantala, inaasahan din ang pagdating ng isa pang akusado ngayong umaga na nakakulong sa Quezon City Jail Female Dormitory sa Camp Caringal.









