Walong bagong biktima ng paputok, naitala ng Department of Health

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga biktima ng paputok sa bansa ilang araw bago ang pagsalubong sa 2026.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng walo pang panibagong kaso ng fireworks-related injuries.

Ayon sa DOH, mula December 21 hanggang ngayong umaga ng Pasko, December 25, umabot na sa 28 ang kabuuang bilang ng mga biktima ng paputok.

Sa mga naitalang kaso, pinakamarami ang mga naputukan ng five star, boga, at triangle.

Batay sa datos ng DOH, 68 porsyento ng mga biktima ay edad 20 pataas, habang 38 porsyento naman ang 19 taong gulang pababa.

Sa kabila nito, mas mababa ng halos kalahati ang bilang ng mga kaso kumpara sa kaparehong panahon noong 2024, kung saan 56 ang naitalang biktima ng paputok.

Muli namang hinikayat ng DOH ang publiko na agad dalhin sa ospital ang sinumang mabibiktima ng paputok upang maiwasan ang mas malubhang komplikasyon.

Facebook Comments