Haharap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang walong bagong non-resident ambassadors to the Philippines mamayang hapon.
Ang mga bagong ambassador ay mula sa Uruguay, Equatorial Guinea, Nicaragua, Kenya, Cyprus, Guinea, Micronesia, at Slovakia.
Ipipresenta nila sa Pangulo ang kanilang credentials at tanda rin ito ng pagsisimula ng kanilang tour of duty sa bansa bilang mga bagong ambassador.
Matapos naman nito magkikita rin si Pangulong Marcos at UN Secretary General Special Envoy fro Road Safety, Jean Todt para sa isang courtesy call.
Facebook Comments