Walong banda mula sa AFP, magpe-perform sa libreng Independence Day concert

86

Magtatanghal ang walong banda mula sa ‘defense forces’ ng gobeyrno sa isang libreng Independence Day concert na gaganapin sa Rizal Open- Air Park Auditorium sa Hunyo 11, 6:00 ng hapon.

Ang mga banda ay sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dumidepensa at pumoprotekta sa mamamayan ng bansa.


Ang concert ay may temang “Kalayaan 2019: Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan”.

Kabilang sa banda magtatanghal ay galing sa mga sumusunod: Jungle Fighter Band, Philippine Navy Seabees Band, CRSAFP Band, Philippine Air Force Band, Manila Police District Band, Philippine Coast Guard Band, Bureau of Jail Management and Penology Band, at Bureau of Fire Protection Band.

Sa Seksyon 1 ng Republic Act No. 4166, “An Act Changing the Date of Philippine Day from July 4 to June 12, and Declaring July 4 as Philippine Republic Day, Further Amending for the Purpose Section 29 of the Revised Administrative Code” dinedeklarang sa araw na ika-12 ng Hunyo ay Araw ng Kalayaan ng bansa.

Gugunitain bukas ang ika-121 na selebrasyon ng Independence Day.

Facebook Comments

From Advertisers