Walong batas para sa kababaihan at maayos na kalusugan, naipasa nitong 2019

Ipinagmalaki ni Senator Risa Hontiveros na magagandang batas para sa mga babae at para sa maayos na kalusugan ng lahat ang naisabatas ngayong taon.

Pangunahing sa binanggit ni Hontiveros ang Expanded Maternity Leave Law kung saan naging 105 ang dating 60 araw lang na may sweldong maternity leave.

Masaya din si Hontiveros, sa pagsasabatas sa Bawal Bastos Law o ang Safe Streets and Public Spaces Act kung saan pinarurusahan ang mga gender-based harassment at pag-abuso sa mga public space gaya ng pagsipol o pagsutsot.


Tinukoy din ni Hontiveros ang Universal Health Care kung saan nakapaloob ang psgsaklaw ng PhilHealth sa lahat ng mga Pilipino gayundin ang pagsasabatas sa PhilHealth coverage sa mga may kapansanan.

Kasama ding binanggit ni hontiveros ang mas pinalawak na Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ang Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict at Simulated Birth Rectification Act kung saan itinutuwid ang patakaran sa rehistro ng mga bata na naipangalan sa ibang ina.

Ayon kay Hontiveros, may 400-Million Pesos na pondo na rin para sa pagbili ng Anti-Retroviral Drugs laban sa HIV, may 250 Million Pesos naman para sa mga programa kontra tuberculosis at 50-Million Pesos para sa Polio at Pneumonia Surveillance Programs.

Facebook Comments