Walong bilyong dolyar na halaga investment pledges, nakuha ng Pilipinas sa state visit ni PBBM sa Indonesia

Nakakuha si Pangulong Bongbong Marcos nang mahigit walong bilyong dolyar na investment pledges sa kanyang isinagawang state visit sa Indonesia.

Ito ay matapos ang mga memorandum of understanding (MOUs) at letters of intent (LOI) na pinirmahan Jakarta Business Roundtable Meeting.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa investments ay ang US$822 million sa textiles, garments, renewable energy, satellite gateway, wire global technology at agri-food.


Isinumite ang $7 billion infrastructure para unsolicited private-public partnerships (PPP) katulad ng C-5 four-level elevated expressway.

Kasama rin na napirmahang investment ay ang US$662-million trade value para sa supply ng coal at fertilizer

Sinabi pa Angeles na ang gobyerno ay umaasang ang mga investment deals na ito ay makakalikha nang nasa 7,000 mga bagong trabaho.

Facebook Comments