Walong close contacts ng Nigerian national na positibo sa Omicron variant, negatibo sa COVID-19

56

Nagnegatibo sa COVID-19 ang lahat ng walong close contacts ng Nigerian national na unang nakumpirmang positibo sa mas nakakahawang Omicron variant.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay matapos na lumabas din na negatibo ang resulta ng huli sa pitong pasahero na nakasama ng Nigerian national.

Bago nito, sinabi ni Vergeire na pito lamang ang close contacts ng nasabing pasyente dahil sa dulo ito ng eroplano sumakay at ang kinuha lamang nila ay ang mga malapit sa kaniyang inuupuan.


Una na ring sinabi ng DOH na mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay upang maiwasang kumalat ang Omicron sa bansa.

Facebook Comments