WALONG COVID-19 DELTA VARIANT CASES, NAITALA SA DAGUPAN CITY; SAN MANUEL, NAKAPAGTALA DIN NG UNANG KASO NG SAKIT

Walong kaso ng delta variant ng COVID-19 ang naitala sa Dagupan City, ayon sa Department of Health.

Sa sulat ng DOH Center for Health Development I kay Mayor Brian Lim, ang mga bagong kaso ay iniulat ng Philippine Genome Center (PGC) at ipinabatid sa kanilang tanggapan ng Doh Epidemiology Bureau nitong September 14, 2021.
Lahat ng mga walong bagong kaso ay nagpositibo sa COVID-19 noong pang agosto 16, 2021.

Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, ang COVID-19 Focal Person ng lungsod, tatlo sa mga nag positibong Delta Variant cases ay mga medical frontliners.


Inaalam pa ang mga kalagayan nila dahil halos isang buwan na rin ang nakalipas simula nang ma-isolate ang mga ito sa iba’t ibang pasilidad.

Sa panuntunan ng DOH, 14 na araw lamang ang kailangan ng isang COVID-19 case na naka-isolate at walang sintomas ng tatlong araw para maideklarang clinically-recovered.

Ayon sa alkalde ng lungsod, kahit wala pa ang confirmation ng DOH na may delta variant na sa Dagupan City, ay kanila ng isinagawa ang mga hakbang ng pamahalaang lungsod noon pang nakaraang buwan at ito ay batay sa assumption na may delta variant sa lungsod.

Samantala, nakapagtala naman ang bayan ng San Manuel ng kauna unahang kaso ng Delta Variant sa katauhan ng isang babae na nagtatrabaho sa isang Grid Corporation sa bayan.

Ang pasyente ay isang 42 years old na babaeng empleyado ng Grid Corporation na namamalagi sa kanilang headquarters na nasa loob mismo ng nasabing kompanya sa Barangay Sto. Domingo.

Ang swab specimen ng nasabing empleyado ay nakuha noon pang August 12, 2021 at lumabas ang resulta nang ginawang WHOLE GENOME SEQUENCING (WGS) sa pasyente.
Sa kasalukuyan, Ang nasabing empleyado ay maituturing na recovered na sa naturang sakit.

Kaugnay pa nito ay pinapaalalahanan ang lahat na sumunod sa health and safety protocols na inilatag ng IATF at manatili sa kani-kanilang mga tahanan at lumabas lamang kung kinakailangan.

Facebook Comments