Ipapadala sa walong COVID-19 testing laboratories ang mga specimens na makokolekta mula sa mga returning Filipinos.
Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) matapos i-anunsyo ng Philippine Red Cross na ititigil na nila ang pagsasagawa test na sinisingil sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa 930 million pesos na utang ng state health insurer.
Ang testing requirement para sa returning Filipinos ay maaaring gawin sa mga sumusunod na laboratoryo:
• Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (TALA)
• Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
• Lung Center of the Philippines
• Philippine National Police Crime Laboratory
• Research Institute for Tropical Medicine
• San Lazaro Hospital
• Ospital ng Imus
• Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital
Ayon sa DOH, patuloy silang makikipag-ugnayan kay Testing Czar Vince Dizon at sa mga mega-swabbing facilities na may laboratoryo.
Nabatid na nasa higit isang milyon mula sa 4.2 million tests na isinasagawa sa buong bansa ay mula sa Red Cross.