
Nasakote ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ang walo pang dayuhan na sangkot sa iligal na pagmimina sa bansa.
Matapos ang kanilang ikinasang operasyon sa isang minahan sa Sitio Dimakawal, Barangay Bukal Norte, Dinapigue, Isabela.
Nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga dayuhan matapos na makatanggap ng report na nagmimina ang mga dayuhan ng tanso at ginto nang walang kaukulang permit o visa, hindi dokumentado, at nagtatrabaho sa labas ng kanilang petitioning company.
Mahaharap ang mga dayuhan sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 habang nananatili sa custodial facility ng BI sa Taguig City upang sumailalim sa deportation proceedings.
Una nang nahuli ng BI ang siyam na Chinese national dahil din sa pagkakasangkot sa iligal na pagmimina sa dalawang minahan sa Masbate.









