Walong elderly care home workers sa Germany, na-ospital dahil sa COVID-19 vaccine overdose

Na-ospital ang walong elderly care home workers sa Germany dahil sa pinaniniwalang pagka-overdose sa natanggap na bakuna kontra COVID-19 matapos magkaroon ng flu-like symptoms.

Ayon sa otoridad ng Vorpommern-Ruegen (vorpo-mern Ru-gen), limang beses nakatanggap ng bakuna mula Pfizer –BioNTech ang mga ito.

Una nang sinabi ng nasabing kompanya na wala silang nakitang masamang epekto sa Phase 1 clinical trial sakaling maturukan ng mas malaking dose ng bakuna.


Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang kompanyang Pfizer–BioNTech tungkol sa nangyaring insidente.

Facebook Comments