Umarangkada na ngayong araw ang libreng sakay sa walong electric buses handog ng Quezon City Local Government Unit (LGU) kung saan magsisimula ang kanilang sakay sa Gate 3 sa Kalayaan Avenue Quezon City.
Ayon sa LGU, magsisimula ng alas-6:00 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes ang biyahe ng electric bus na kayang i-accommodate ang 41 mga pasahero kung saan pwede rin tayuan ng hanggang 10 katao.
Ang walong electric buses ay mag-iikot mula Quezon City Hall patungong Ali Mall sa Cubao, Quezon City na mayroong interval na 10 minuto at agad bibiyahe kahit tatlo lamang ang pasahero nito.
Facebook Comments