Nasagip ang walong Filipina nurses ng Embahada ng Pilipinas sa Libya.
Hindi naging madali ang rescue operations ng mga embassy officials dahil kailangan nilang mag-ingat at magbago ng mga ruta lalo na kapag nakakasalubong ng mga armadong sasakyan patungo sa Libyan clinic kung saan nagtatrabaho ang mga Pinay nurses.
Ayon kay Charge d’ affaires Elmer Cato – aabot sa 400 Pinoy nurses, university professors at iba pang skilled workers ang apektado ng kaguluhan sa Libya.
Nananawagan sila sa iba pang mga Pilipinong malapit sa mga lugar na nagkakaroon ng labanan na magsilikas.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), aabot sa 3,000 Filipino ang nasa Libya kabilang ang mga undocumented workers.
Facebook Comments