Walong gusaling pinagkukutaan ng mga sniper ng Maute Group, nabawi na ng militar

Manila, Philippines – Nabawi na ng militar ang walong mataas na gusali sa Marawi City kung saan pumwesto ang mga sniper ng Maute Group.

Gayunman, sinabi ni First Infantry Battalion Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera, na nasa 150 hanggang 200 pa ring terorista ang kanilang kalaban.

Kasabay nito, kinumpirma rin Herrera na ginagawa na ring utusan ng Maute ang kanilang mga bihag.


Facebook Comments