8 HOSPITAL SA REGION 1, NAGSIMULA NANG MAGBAKUNA KONTRA COVID-19 SA MGA MENOR DE EDAD

Sinimulan na ang pagbabakuna sa edad 12- 17 na mayroong sakit sa walong hospital sa Ilocos Region. Kabilang sa mga hospital na nagsagawa nang pagbabakuna ay ang

Pangasinan
– Region 1 Medical Center, Dagupan City
– Condrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center
– San Nicolas Rural Health Unit Eastern Pangasinan District Hospital
– Western Pangasinan District Hospital
– Bayambang District Hospital

La Union
Ilocos Training and Regional Medical Center


Ilocos Norte
Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center

Ilocos Sur
Vigan City Health Office-Gabriela Silang Provincial Hospital.

Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, COVID-19 focal person ng DOH-CHD1, gagamitin sa mga menor de edad na may sakit ang bakunang Pfizer at Moderna na ligtas at epektibo sa COVID-19 dahil nabigyan ng Emergency Use Authorization o EUA ng Food and Drug Administration.

Paalala ni Bobis sa mga magulang na siguraduhing naiparehistro o nabigyan ng schedule ang kanilang mga anak sa vaccination upang masunod ang minimum public health standards.###

Facebook Comments