Ipinagpaliban ng pamahalaan ang pagpapatayo ng walong infrastructure projects habang sumasailalim ang mga ito sa feasibility studies.
Ayon kay Presidential Adviser on Flagship Programs and Projects Vince Dizon, pinaprayoridad ng pamahalaan ang mga proyektong umarangkada na ang konstruksyon.
Ang mga proyektong ang nasa ilalim pa ng feasibility study ay ang mga sumusunod:
- Bataan-Cavite Link Bridge
- Dalton Pass East Alignment
- Bagong Zamboanga International Airport
- Bagong Dumaguete Airport
- Panay River Basin Integrated Development
- Kabulnan Multipurpose Irrigation and Power project
- Kanan Dam project
- Guimaras-Negros portion ng Panay-Guimaras-Negros Bridge
Dagdag pa ni Dizon, nasa 13 flagship infrastructure projects ang idinagdag sa pipeline:
- LTO Central Command Center
- Motor Vehicle Recognition and Enhancement System
- National Broadband Program
- ICT Capacity Development and Management Program
- Water District Development Sector Projects
- National Irrigation Sector Rehabilitation and Improvement Project
- Balog-Balog Multipurpose Project Phase II
- Jalaur River Multipurpose Project
- Lower Agno River Irrigation System
- Metro Manila Logistics Network
- NLEX Harbor Link Extension patungong Anda Circle
- General Santos Airport
- Virology Science and Technology Institute of the Philippines
Facebook Comments