Walong kalsada, nananatiling sarado sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa nagdaang bagyo

Aabot sa walong kalsada ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista dahil sa nagdaang mga Bagyong Nika, Ofel, at Pepito.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular na sarado ang mga kalsada sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley Region at Central Luzon.

Ang mga ito ay nakararanas ng pagbaha, landslide at nagkaroon ng problema ang mga tulay.


Sa datos ng DPWH – Bureau of Maintenance, ilan sa mga inaayos pa nilang kalsda ay sa Ilocos Norte, Cagayan, Apayao, Nueva Vizcaya, Benguet at Aurora.

Nasa 59 na kalsada naman ang bukas na sa mga motorista matapos maresolba at maiayos ng DPWH Disaster and Incident Management Teams ang mga problema nito.

Tinatayang aabot sa P884.20 million ang inisyal na halaga na nasira ng mga nagdaang bagyo partikulat sa mga kalsada, tulay at mga imprastraktura.

Facebook Comments