Nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Singaporean President Halimah Yacob ang walong Memorandum Of Understanding (MOU) kasabay ng ika-50 anibersaryo ng Diplomatic Relations ng dalawang bansa.
Kasama sa mga nilagdaan ng dalawang lider ay ang MOU sa Infrastructure Development, Sustainable Urban Solutions tulad ng water Resource Management, Skills Training and Education Cooperation para sa Fourth Industrial Revolution, Agri-Trade, Arts and Culture at Data Protection.
Sa kanilang joint statement, sinabi ng Pangulong Duterte na nagkasundo sila ni President Yacob na palawakin at i-angat pa ang level ng kooperasyon at pagkakaibigan ng pilipinas at Singapore.
Ayon naman kay President Yacob, na nagkasundo sila ni Duterte na palawigin pa ang matatag at malusog na economic ties ng Pilipinas at Singapore.
Dagdag pa ni Yacob, masaya siya sa “People To People Ties” sa pagitan ng dalawang bansa kung saan nasa 200,000 pilipino ang nakatira, nagtatrabaho at nag-aaral sa Singapore.