Aabot sa walong libong mga baril ng ilang pulitiko sa bansa ang paso na ang lisensya.
Ayon kay Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) Director PBGen. Benjamin Silo ang nasabing bilang ay 27 porsyento ng humigit kumulang 30,000 registered firearms ng mga elected officials mula mambabatas hanggang barangay officials.
Aniya, batay sa datos ng PNP-CSG at Firearms & Explosives Office, 50 porsyento ng mga baril na napaso na ang lisensya ay pagmamay-ari ng mga opisyal ng barangay.
Pinakamarami aniya dito ay mula sa Region 4A, Metro Manila at Central Luzon.
Base sa huling report ng PNP kabuuang 12,373 ang kabuuang bilang ng mga nakumpiska nilang loose firearms mula Enero hanggang nitong Hunyo.
Binigyang diin pa nito na magtutuloy-tuloy ang kampanya ng Pambansang Pulisya kontra loose firearms dahil posible itong magamit sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections.