Walong libong pulis, ipakakalat ng PNP sa Metro Manila ngayong Pasko

Nasa 8,000 pulis ang ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) sa mga matataong lugar sa Metro Manila ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon sa PNP, layon nitong masiguro na maging ligtas at payapa ang pagdiriwang ng Pasko.

Ipakakalat ang mga ito sa places of convergence tulad ng simbahan, malls, pasyalan, mga terminal, paliparan, pantalan at iba pa.


Bukod dito ay magtatayo rin ng police assistance desk sa mga strategic na lugar para sa agarang police assistance sa mga emergency response.

Makikipag-ugnayan din ang PNP sa mga force multipliers upang tiyakin ang kapayapaan sa kalakhang Maynila.

Kasunod nito, hinihimok ng Pambansang Pulisya ang publiko na maging mapagmatyag at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang kilos ng mga indibidwal o grupo.

Una nang sinabi ng PNP na wala silang seryosong banta na namo-monitor ngayong Holiday season.

Facebook Comments