Manila, Philippines – Walong lugar sa kahabaan ng Commonwealth sa Quezon City patungo sa Batasan Pambansa Complex ang popostehan ng mga pulis bago ang araw at pagkatapos ng SONA ng Pangulo sa July 24.
Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, bawat lugar na kanilang natukoy na paglalagyan ng mga pulis ay magdedeploy sila ng 350 nilang miyembro.
Ang mga lugar aniya na popostehan nila ng tao ay sa ang bahagi ng Jucfer building, Ever Gotesco, Sandigan papasok ng Batasan, San Mateo Roa, Everlasting Area, Northgate, Katuparan at IBP road.
Kung ang nakalipas na taon aniya 4 na libong pulis ang kanilang ideneploy ngayon aabot na ito sa mahigit anim na libo
Maliban sa NCRPO police na idedeploy sa sona mayroon rin mula sa SWAT team, BFP at BJMP.