WALONG LUGAR SA PANGASINAN, ISINAILALIM SA FARM DEMONSTRATION BILANG PAGHAHANDA SA MAIN CROPPING SEASON; MGA PANGASINENSENG MAGSASAKA, IKINATUWA ANG TEKNOLOHIYA SA PAGSASAKA

Isinailalim ang walong lugar sa lalawigan ng Pangasinan sa Farm Demonstration o ang pamamaraan at paggamit ng teknolohiya sa agrikultura na nagpapakita ng mga bago at pinahusay na paraan ng pagtatanim – ito ay ang mga bayan ng Manaoag, Calasiao, Binalonan, Bolinao, Sison, Mangatarem, Balungao at Alaminos City.

Alinsunod ito sa paghahanda ng mga magsasaka sa darating na main cropping season sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre.
Nasa 183, 406 hectares naman ang kabuuang lawak ng taniman ng palay na sinasaka sa buong lalawigan ng Pangasinan at kaugnay dito ilang mga makabagong hakbangin ang patuloy na inilulunsad upang matulungan ang mga magsasaka na mas mapadali at mapagaan ang kanilang trabahong pagsasaka.

Ilang mga Pangasinenseng magsasaka ay ikinatuwa naman ang gamit ng teknolohiya dahil kapaki-pakinabang ito lalo na ngayon na nagmamahalan na ang mga farm inputs.
Inaasahan pa ng mga ito ang mas malago umanong produksyon ng mga aanihing produkto ngayon. |ifmnews
Facebook Comments