Makakaranas ang walong munisipalidad sa Pangasinan ng power service interruption sa darating na sabado ayon sa CENPELCO.
Sa inilabas na abiso ng electric company provider, makararanas ng power service interruption ang San Carlos City, buong munisipalidad ng Malasiqui, Bautista, Basista, Alcala, Bayambang, bahagi ng Urbiztondo at Mangatarem.
Magtatagal ang naturang power interruption mula alas sais ng umaga hanggang alas tres ng hapon. Ilan sa dahilan ng naturang power interruption ay ang pagpapalit ng insulator, at iba pang connector.
Pinaalalahanan ang mga residente sa nabanggit na lugar na maghanda at magcharge ng mga kagamitan at sisikapin namang tapusin nang mas maaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









