Benguet, Philippines – Sa bisa ng Executive Order no. 002-2020, Idiniklara ni La Trinidad Mayor, Romeo Salda ang isang temporary lockdown sa mga papasok at palabas ng ilang mga productong baboy sa walong sitio ng Barangay Beckel, sa La Trinidad.
Ang mga nasabing Sitio ay ang Sitio Bakong, Busi,Central Beckel, Gongel, Obulan, Pagal, Peril at Sapsing.
Ilang quarantine protocols ang isigawa agad matapos nagpositibo ang ilang mga baboy mula sa Beckel at makumpirma ito ng may kaso ng African Swine Fever o ASF at nasa sumatutal na 189 na baboy ang papatayin at ililibing ayon naman yan kay Municipal Agriculturist Felicitas Ticbaen.
Ang mga ililibing naman na baboy ay malayo sa ilang mga water sources ayon naman kay Municipal Environment and Natural Resources Officer, Athur Pedro para hindi na kumalat pa ng nasabing virus.
Sa Tuba Benguet naman, ilang baboy din ang pinatay matapos makumirma sa probinsya ang kaso ng ASF kung saan, isang may-ari ng babuyan ang hinikayat ng otoridad na patayin lahat ng alaga nyang baboy para hindi mas kumalat ang virus sa kanilang lugar.
Ilang Quarantine Checkpoints din ang inilagay sa Marcos Highway, Kennon Road, Tadiangan, Banangan sa Sablan, Bokod, Bangao sa Buguiasat Colalo sa Mankayan matapos naman ipasa ni Governor Melchor Diclas noong nakaraang linggo ang temporary lockdown sa probinsya dahil sa outbreak ng ASF.
Ang nasabing lockdown ay mawawalan ng bisa kung idedeklara ng Bureau of Animal Industry-Department of Agriculture na ASF free na ang probinsya.
iDOL, magingat pa rin tayo sa ating mga kinakain.