WALONG MIYEMBRO NG KOMUNISTANG GRUPO SA ILOCOS REGION, NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN

Walong indibidwal na may kaugnayan sa mga grupong komunista ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa loob ng isang linggong operasyon sa Ilocos Region, ayon sa ulat ng Police Regional Office 1 mula Disyembre 11 hanggang 17, 2025.

Batay sa tala, tatlo sa mga ito ang boluntaryong sumuko sa mga lalawigan ng La Union at Ilocos Sur.

Kasabay nito, pormal ding umurong ang suporta ng tatlong grupong tinaguriang “NPA in the Barrios” sa Ilocos Sur.

Sa Pangasinan naman, dalawang indibidwal ang umatras sa kanilang ugnayan sa mga organisasyong sumusuporta sa kilusan.

Isinagawa ang mga hakbang sa pamamagitan ng community engagement at intelligence operations na nakatuon sa mapayapang resolusyon at pagbawas ng impluwensiya ng mga armadong grupo sa mga komunidad.

Ayon sa pulisya, ipinapakita ng mga pagbabalik-loob at pag-atras ng suporta ang unti-unting paghina ng impluwensya ng mga grupong ito at ang mas pinipiling landas ng mga mamamayan tungo sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Facebook Comments