Manila, Philippines – Walong miyembro ng Maute Group ang sumuko sa puwersa ng militar sa Marawi City.
Sa gitna ito ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng teroristang grupo sa lugar.
Sa Mindanao hour kanina, ibinunyag ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na sumuko ang Maute members sa tauhan ni General Custodio Parcon.
Aniya, nagbigay na ng mahahalagang impormasyon ang mga sumukong terorista na magagamit para mapagtagumpayan ang operasyon ng militar sa Marawi.
Samantala, hindi naman bababa sa anim na pulis ang nawawala sa Marawi City.
Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa – hindi pa rin nila makontak ang nasabing mga pulis at wala silang ideya kung nagtatago o nadakip na sila ng mga terorista.
DZXL558
Facebook Comments