Walong nakasalamuha ni “Poblacion girl”, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang ilang naging closed contact ng Pinay Returning Overseas Filipino (ROF) na umiwas na mag-quarantine at nag-party sa Makati City.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Jonathan Malaya, pito mula sa 15 close contacts ng tinaguriang “Poblacion girl” ang nagpositibo sa COVID-19 gayundin ang isa mula sa 19 na kaniyang secondary contacts.

Nilinaw naman ni Malaya na hindi pa tukoy kung anong COVID-19 variant ang mayroon si ‘Poblacion girl.’


Ngayong araw pa lang kasi aniya ilalabas ng Philippine Genome Sequencing ang resulta ng sample nito.

Samantala, ibinunyag ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na dalawa hanggang tatlong hotel ang tumatanggap ng bayad kapalit ng pagpayag na makalabas ang ROF sa gitna ng mandatory quarantine.

Paliwanag ng kalihim, magpapakita na lamang sa ikalimang araw ng kanilang quarantine ang ROF para sumailalim sa RT-PCR test.

Facebook Comments