WALONG OPISINA NG LGU BAYAMBANG, ISINAILALIM SA LOCKDOWN DAHIL SA COVID19 INFECTIONS AT PAG IWAS NA KUMALAT ANG VIRUS

Isinailalim sa lockdown ang walong opisina sa munisipyo ng Bayambang bilang hakbang upang maiwasan pa ang pagkalat ng COVID-19 sa ilang empleyado ng mga opisina sa bayan, kasabay din ang pagbibigay daan sa mass testing dahil sa lumabas ang resulta ng ilang empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa naging rekomendasyon ng COVID 19 Inter-Agency Task Force na isailalim sa lockdown ang mga apektadong opisina para maiwasan ang mas malalang epekto nito.

Una ng isinailalim sa lockdown ang opisina ng ICTO at HRMO mula May 17 hanggang May 25 at ngayong araw, kailangan dumaan sa assessment ang mga empleyado na negatibo sa deadly virus kung sila ba ay maaari ng magtrabaho.


Epektibo naman hanggang May 27 ang lockdown sa Municipal Administrator Office, Bids and Awards Committee Office, Municipal Budget Office, Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, Bayambang Poverty Reduction Action Team, Public Information Office at Municipal Engineering Office, ito ay upang bigyang daan ang disinfection operation at para mamonitor ang kapakanan ng bawat empleyado nito.

Magpapatupad naman work-from-home arrangement sa mga empleyado na asymptomatic at negatibo sa rapid antigen tests habang ang ilan naman ay dadaan sa quarantine.
Samantala, patuloy na isasagawa ang ilang precautionary measures sa bayan upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments