Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang suspensyon na walang kabayaran ang walong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ang mga sinuspinde ay kabilang sa inireklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y anomalya ng Internal Reimbursement Mechanism (IRM).
Ang IRM ay isang mekanismo na pwedeng i-avail ng isang ospital na naapektuhan ng isang krisis tulad ng pandemya.
Kabilang sa pinasususpinde ay sina PhilHealth COO Arnel de Jesus, Senior Vice Presidents Renato Limsiaco Jr. at Israel Francis Pargas, Vice President for PhilHealth Regional Office National Capital Region (NCR) Gregorio Rulloda, PhilHealth Regional Office NCR Central Branch Manager Lolita Tuliao at ang mga executives na sina Imelda Trinidad de Vera-Pe, Gemma Sibucao at Lailani Padua.
Layunin nito na hindi nila maimpluwensyahan ang ginagawang imbestigasyon sa naturang alegasyon.
Inatasan ni Ombudsman Samuel Martires si PhilHealth President Dante Gieran na agad ipatupad ang kautusan.