8 PAHINANTENG TRUCK ARESTADO MATAPOS MAGNAKAW NG MGA HOTDOG AT PERA SA ISANG TINDAHAN SA ILOCOS SUR

Nabigong makatakas sa otoridad ang walong pahinante ng truck matapos sumalisi sa isang tindahan sa Poblacion Norte, Santiago, Ilocos Sur.

Kinilala ang mga nahuli na sina Paulino Gallardo, Alfredo Gallardo, Jonathan Cortez, Benny Capistrano, Gabriel Reguyal, Al Dexter So, Jan Earth Soriano at Albert Reguyal na pawang mga residente ng lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, pumasok sa pamilihan ang mga suspek kung saan ay tatlo sa kanila ang nakipag-usap sa cashier habang pumasok sa naman sa loob ang iba nilang mga kasamahan.

Makaraan ang ilang sandali ay aalis na sana ang grupo ng mga salarin nang mapansin ng cashier na may ipinuslit na tatlong pakete ng hotdog mula sa kanilang pwesto.

Nagpasaklolo sila sa mga pulis sa HI-PAD hanggang sa maabutan ang mga salarin na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa kanila ang mga ninakaw na panindang hotdog at ang 10,000 piso na kita ng tindahan.

Nasa pangangalaga na ng himpilan ang mga suspek at sasampahan ng karampatang kaso. |PRO1 News/ifmnews

Facebook Comments