Walong police stations, surpresang ininspeksyon ni PNP Chief Guillermo Eleazar

84

“Malinis at maayos”

Ito ang obserbasyon ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar matapos na magsagawa ng surprise inspection sa walong police stations sa lungsod ng Pasay, Paranaque, Taguig at Manila.


Ayon kay Eleazar, natutuwa siya dahil nakikita niya na unti-unting nababago ang tingin ng publiko sa mga pulis.

Para sa kaniya, ang kalinisan ng paligid sa bawat istasyon ng pulis ay indikasyon din ng malinis na serbisyo.

Kaya naman patuloy na pinapaalerto ni PNP Chief ang mga police station dahil magpapatuloy ang kanyang gagawing surprise inspection.

Matatandaan nang umupo si Eleazar bilang PNP Chief isa sa kaniyang sinabing gagawin ay paigtingin ang cleanliness policy at ang patuloy na pagdidisiplina sa kanilang hanay.



Facebook Comments