Walong punong barangay, kakasuhan ng DILG dahil sa paglabag sa mass gathering

Walong punong barangay ang sasampahan ng kaso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa naganap na “super spreader” activities sa kanilang mga lugar na nagresulta sa pagsipa ng kaso ng COVID-19 .

Kasunod naman ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga lider ng barangay na nagiging pabaya sa mga nangyaring mass gatherings.

Kinilala ni DILG Secretary Eduardo Año ang walong punong barangay na sina:


Romeo Rivera ng Barangay 171, District II, Caloocan City

Ernan Perez ng Barangay San Jose, Navotas City

Facipico Jeronimo at Jaime Laurente ng Barangays 181 at 182 ng Gagalangin, Tondo, Maynila

Marcial Lucas Palad ng Barangay Matiktik, Norzagaray, Bulacan

Jason Talipan at Jimmy Solano ng Barangay Balabag, Boracay Island at Barangay Sambiray, Malay, Aklan

Jessica Cadungong ng Barangay Kamputhaw, Cebu City.

Kaugnay naman ito sa nangyaring “Gubat sa Ciudad” incident sa Barangay 171, Caloocan City; ang recreational at resort operations sa San Jose, Navotas City; ang boxing matches sa Barangay 181 at 182 sa Tondo, Manila; ang Bakas River event sa Barangay Matiktik, Norzagaray, Bulacan; Barangay Balabag, Boracay Island at Barangay Sambiray, Malay, Aklan; at ang Club Holic Bar and Restaurant event sa Barangay Kamputhaw, Cebu City.

Facebook Comments