MANILA – Planong magdadag ng quarantine stations ng Dept. of Health sa buong bansa para ma-monitor ang mga sakit tulad ng zika virus.Ito’y matapos makumpirma na isang ginang sa Iloilo City ang nagpositibo Sa Zika virus.Nakitaan ng sintomas ang ginang gaya ng mga pantal at pananakit ng katawan.Posibleng isang local transmission ang nangyari dahil hindi naman ito bumiyahe sa ibang bansa.Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, nakipag-ugnayan na ang doh sa mga lokal na otoridad para sa mga ipapatupad na hakbang para mapigilan ang pagkalat ng zika.Bukod sa NAIA, binabantayan na rin ang mactan cebu international airport para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Facebook Comments