Walong tao, arestado sa online sabong sa NAIA Terminal 3

457

Iprinisenta kanina sa media ang 8 kalalakihan na naaresto ng mga tauhan ng Airport Police Department matapos magsagawa ng online sabong sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Terminal 3, Pasay City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Nelson Cruz, Vejie Pepito, Robert Jeremia, Cresencio Pabon Jr., Joswa Nervar, Hector Desiderio,Alberto Toyogun at Jose Bobis.


Ayon kay Airport Police Dept. Police Intelligence Investigation Division Deputy Chief Jesus Ducusin ,nagkaroon ng kumpulan sa parking area kung saan naabutan ng mga pulis na nagtatayaan sila sa online sabong gamit ang kani-kanilang mga cellphone.

Napag-alaman na 7 sa walong suspek ay mga taxi driver ng yellow cab at coupon taxi sa paliparan, habang tagabigay naman ng coupon ang isa sa mga naaresto.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong illegal gambling at paglabag sa health protocols ng paliparan.

Facebook Comments