Walong turista mula sa South Africa na nasa bansa, patuloy na tinutunton ng DOH

Hindi pa natutunton ng Department of Health ang lokasyon ng walong travelers mula sa South Africa na dumating sa bansa sa pagitan ng Nov. 15 hanggang Nov. 29, 2021.

Sa kabila nito, tiniyak ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire na patuloy ang kanilang ginagawang paraan at contact tracing para makita ang mga ito.

Nabatid na apat sa mga ito ang isinailalim sa re-tested, isa ang kabilang sa returning Filipino at tatlo ang foreign nationals na pawang mga negatibo.


Sa ngayon ay nasa 253 travelers mula sa South Africa ang binabantayan ng Bureau of Quarantine kung saan ilalabas ang resulta ng kanilang genome sequencing partikular sa mga positibo sa COVID-19 sa Miyerkules.

Facebook Comments