Walong vaccination sites sa Antipolo City tumatanggap ng mga walk-ins

1153

Inihayag ngayon ng Antipolo City government na bukod sa mga naka-schedule nang babakunahan muling tatanggap ng mga walk-ins sa ibat-ibang mga vaccination centers sa Antipolo City.

Kabilang sa mga ito ang:
1. 2nd floor, Xentro Mall Antipolo, Sumulong Highway (200 walk-in slots only)
2. Ground floor, Robinsons Place Antipolo (400 walk-in slots only)
3. 3rd floor, Ynares Events Center, Antipolo (400 walk-in slots only)
4. 3rd floor, SM Masinag, Antipolo (400 walk-in slots only)
5. 2nd floor, SM Cherry, Antipolo (400 walk-in slots only)
6. 3rd floor, SM Cherry, Antipolo (400 walk-in slots only)
7. Sta Lucia Mall Il Centro
8. 2nd floor, Ayala Feliz (300 walk-in slots only)

Umaabot sa 2,800 na mga indibidwal ang target na walk-in sa nabanggit na walong bakunahan.


Matatandaang una nang itinigil ang pagtanggap ng walk-in sa Antipolo City kasunod ng kaguluhang dulot ng pagdagsa ng mga gustong magpabakuna sa ilang mga vaccination sites dito sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments