WALUMPONG PDLS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, NAGTAPOS SA PAG-AARAL NG ALS

Nagsipagtapos ang nasa walumpong mga Persons Deprived of Liberty o PDLs sa Dagupan City sa kanilang pag-aaral ng Alternative Learning System o ALS ng DEPED Dagupan.
Pinangunahan ang naganap na ang 10th Graduation and Completion Ceremonies ng alkalde ng lungsod kasama ang mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Dagupan.
Ani ng alkalde na hindi hadlang ang mga kinakaharap na kaso ng mga PDLs upang sila ay hindi mapagkaitan ng oportunidad na makapag-aral.

Samantala, kasabay nito ang inagurasyon ng Gender and Development o ang GAD related facilities ng BJMP tulad ng Conjugal Room, Lactation Area at Child-Friendly Area na may layong mas mapabuti ang mga kalagayan at mabigyan pa ng pansin ang kapakanan ng mga taong nasa loob ng piitan. |ifmnews
Facebook Comments