80% ng National Budget para sa 2024, nailabas na hanggang nitong pagpasok ng Mayo – DBM

Tatapusin na ng Department of Budget and Management (DBM) ang problema sa underspending ng mga ahensiya ng gobyerno ngayong taon.

Sa ginanap na Philippine economic briefing, iginiit ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mas mababa ang tyansang magkaroon ng underspending ngayong ikalawang quarter ng taon dahil sa mabilis na paglalabas ng pondo sa mga ahensiya ng gobyerno.

Dahil dito, nailatag nang maayos ang mga prayoridad na programa at proyekto na kasama sa 2024 National Budget.


Malaking tulong din aniya ang pag-ratipika ng Bicameral Report sa New Government Procurement Act (NGPA) na makakatulong sa pagtugon sa underspending.

Sinabi ng DBM na mahigit walumpung porsyento na ng pambansang pondo ang nailabas hanggang nitong pagpasok ng buwan ng Mayo.

Facebook Comments