Manila, Philippines – Sinibak na sa serbisyo ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang walumpung pulis na sangkot sa ibat ibang kaso gaya ng droga at terorismo.
Ayon kay General Bato, sa 84 na pulis na inirekomenda ng PNP IAS o Internal Affairs Service na i-dismiss sa serbisyo, 80 dito ang kanyang inaprubahan.
Ang kaso ng 4 na iba ay ibinalik ni Bato sa IAS para mas mapag-aralan dahil pagkakautang lang naman daw ang atraso ng mga ito.
Kasama sa sinibak ni Bato si Supt. Lito Cabamongan, ang opisyal na nahuling gumagamit ng iligal na droga at si Supt. Ma Cristina Nobleza na kasabwat umano ng mga teroristang Abu Sayyaf.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments