Wanted dahil sa kasong attemted rape arestado ng SK PNP

Kalaboso ang isang magsasaka na may kasong attempted rape matapos maaresto ng Sultan Kudarat PNP.

Sa impormasyong ipinarating SK MPS COP CIns Esmael Madin sa DXMY, kinilala nito ang nahuli na si Jaime Karon Acob residente ng Brgy Mulaog.

Naaresto ang suspek base sa warrant of arrest na permado ng Judge Bansawan Ibrahim ng RTC 14 Branch 12 at bunsod na rin sa krimeng kinasasangkutan nito noong Mayo 10 2017.


Pasado alas kwatro kaninang umaga ng ikasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng SK PNP at CIDG ARMM.

Facebook Comments