WANTED | Lalaking nagtago ng 1 taon sa kasong homicide, arestado!

30

Pandacan, Maynila – Matapos magtago ng isang taon, naaresto na ang lalaking wanted sa kasong homicide sa Pandacan, Maynila. Kinilala ang suspek na si Ramil Banta, 42-anyos. Agosto 2015 nang mapatay ng suspek ang kanyang bayaw na si Jesus Reyes Jr. Nadakip si banta sa Barangay Molino 6, Bacoor, Cavite sa tulong ng isang informant na nagbigay ng tip tungkol sa kinaroroonan ng suspek. Depensa ni banta, nagawa niya ang krimen dahil binu-bully at sinasaktan ni Reyes ang dalawa niyang anak na babae. Nakakulong na sa Pandacan police ang suspek na nakatakdang patawan ng kasong reclusion temporal o 17 taon at walong buwang pagkakakulong.

Facebook Comments