WANTED | Mga rebeldeng grupo na kumuha ng mga baril ng dalawang pulis sa Zamboanga del Norte, pinaghahanap na

Zamboanga del Norte – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang armadong grupo na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na siyang kumuha ng mga armas ng dalawang pulis habang dumadaan sa provincial road ng Sitio Rebe, Barangay Mauswagon, Godod, Zamboanga del Norte.

Nakasakay ang dalawang pulis na sina PO1 Rey Lismis at SPO1 Oscias Gomez at pagdating sa naturang lugar ay hinarang sila ng humigit-kumulang 15 armado kabilang ang isang babae at pinahinto ang sasakyan.

Pinababa ng armadong grupo ang dalawang pulis kung saan kinuha ng mga ito ang dala nilang tatlong unit ng m16 rifle at isa pang short firearm kasama ang mga magazines at mga bala.


Dinala rin ng mga suspek ang PNP vehicle bago lumayo sa lugar habang ligtas na naiwan ang dalawang pulis.

Makalipas ang ilang oras, narekober ang sasakyan ng mga pulis matapos makita ng mga residente na inabandona ng mga suspek.

Facebook Comments