Tiklo ngayon ang isang akusadong African National sa inihaing warrant of arrest ng pulisya sa Barangay Poblacion Oeste, Dagupan City.
Kasalukuyang nakatira sa Barangay Tapuac sa nasabing lungsod ang nasabing lalaki.
Lumalabas sa imbestigasyon na sangkot ito sa kasong Robbery o Pagnanakaw kung saan mayroong Php 120,000.00 na itinakdang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ayon sa Dagupan City Police Station, isinasailalim ngayon sa imbestigasyon ang nasabing kasong kinasangkutan ng African national.
Nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









