Wanted na Drayber, Huli sa Sta. Maria, Isabela!

62

Cauayan City, Isabela- Nahuli ng otoridad ang itinuturing na Top 6 Most Wanted sa Municipal level matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest dakong alas 6:00 kaninang umaga sa Poblacion 1, Sta. Maria, Isabela.


Ang akusado ay nakilalang si Emidio Taguilala, 26 taong gulang, may-asawa, at residente ng Poblacion 1, Sta. Maria, Isabela.

Hinuli sa bisa ng mandamiento de aresto si Taguilila na nahaharap sa kasong Attempted Homicide na may kaukulang piyansa na Php36,000.00.

Nasa kustodiya ng pulisya ang akusado at nakatakdang iturn-over sa court of origin.

Facebook Comments