Wanted na German national na nahuli sa Bohol, ipadedeport na ng Bureau of Immigration

Bohol – Nakatakdang ipatapon na ng Bureau of Immigration ang isang German national na wanted sa kanilang bansa matapos siyang masakote sa lalawigan ng Bohol.

Si Lothar Gunther Bebenroth na matagal nang nagtatago sa batas at may nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ng isang korte sa Potsdam, Germany dahil sa kasong serious assault.

Dahil sa pagiging undocumented alien at pugante, si Bebenroth ay dinakip ng mga awtoridad sa Sinajon Street, Brgy. Poblacion 5 sa bayan ng Alburquerque sa Bohol.


Batay sa ulat ni Daniel Altmeyer, Liaison Officer ng German Federal Criminal Police Office, matagal na nilang tinutugis si Bebenroth para panagutin sa ginawang krimen sa kanilang bansa.

Naging madali ang paghuli sa nasabing dayuhan lalo pa’t matagal nang kinansela ng German government ang kanyang passport.
DZXL558

Facebook Comments