Wanted na Japanese National, na nahaharap sa kasong robbery ipinatapon ng BI pabalik ng Japan

Tuluyan nang ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) ang isang wanted na Japanese National pabalik sa kanilang bansa.

Sakay ang banyagang suspek ng JAL flight 746 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na kinilalang si Kunio Aihara, 61 years old.

Ayon sa BI, si Aihara ay naaresto noon pang buwan ng Hunyo dahil sa bisa ng warrant of arrest at pakikipagtulungan ng Japan authorities dahil sa pagkaka-sangkot sa robbery sa Tokyo, 30 taon na ang nakakalipas.

Si Aihara at dalawa pa niyang kasabwat ay pumasok sa isang establisyemento sa Japan at tinutukan ng patalim ang manager, binugbog at ninakaw ang isang pitaka na naglalaman ng humigit-kumulang ¥700,000 (japanese yen) o halos P300,000.

Ang pagpapatapon sa suspek ay para doon niya harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments