Wanted na lalaking may kasong pagpatay, naaresto ng PNP sa Navotas

Handcuffs

Nahuli ng mga tauhan ng Station Intelligence Branch and Warrant Section ng Navotas City Police Station ang Top 3 Most Wanted Person sa Navotas City.

Kinilala itong si Arnel Dela Cruz Jr., 30 anyos na wanted dahil sa kasong homicide.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office nahuli si Dela Cruz sa Brgy. Tangos-North, Navotas City kahapon matapos na makatanggap ng impormasyon na nasa area ang suspek.


Sa imbestigasyon ng pulisya, kinasuhan ng homicide ang suspek matapos na mapatay noong taong 2008 ang isang lalaki na kinilalang si Roberto Aricheta Jr.

Sa ngayon nakakulong na sa Navotas Police Station ang suspek habang hindi pa naibabalik sa korte ang commitment order.

Facebook Comments