Wanted na Magsasaka sa Mallig, Isabela, Arestado!

52

*Mallig, Isabela-* Natimbog na ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa brgy Siempre Viva Norte, Mallig, Isabela kahapon.

Ang naaresto ay si Greenville Seguancia, dalawampu’t apat na taong gulang, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, hinuli ng mga kasapi ng PNP Mallig si Seguancia sa bisa ng Warrant of Arrest nito na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela dahil sa kasong Rape with Sexual Assault.

Pansamantalang makakalaya si Seguancia kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang isangdaan at dalawampung libong piso (120,000.00).

Facebook Comments

From Advertisers