Wanted na negosyanteng nag-akusa kay Senator Lacson na sangkot sa ilegal na droga, naaresto sa Pasig City

Nahuli ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) ang isang negosyante na una nang nag-akusa kay Senador Panfilo “Ping” Lacson na sangkot sa mga transaksyon ng ilegal na droga.

Kinilala ni CIDG Spokesperson Police Lieutenant Colonel Ivy Castillo ang negosyanteng suspek na si Antonio Luis Marquez, alyas Angelo “Ador” Mawanay, 47-anyos.

Hinuli ito kahapon ng alas-5:30 ng hapon sa L23 B41, Chestnut St., Greenwoods Executive Village, Pasig City.


Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest dahil sa kaso nitong estafa na inisyu ni Ma. Consejo Gengos-Ignalaga, Presiding Judge ng Regional Trial Court – 4th Judicial Region, Branch 100, Antipolo City.

Matatandang taong 2001 nang ibunyag ni Marquez, na noo’y nagpakilala bilang Ador Mawanay, na may hawak siyang mga dokumento ng mga foreign bank accounts ni Lacson na pinagtataguan ng perang galing umano sa ilegal na droga nito.

Pero kalaunan ay binawi rin ni Marquez ang kanyang mga alegasyon laban sa Senador.

Facebook Comments