Tuesday, February 3, 2026

WANTED NA TRUCK DRIVER, ARESTADO SA STA. BARBARA

Isang wanted person ang inaresto ng mga awtoridad noong alas-8:30 ng umaga ng February 2, 2026, sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga tauhan ng Sta. Barbara Municipal Police Station (MPS) laban sa akusadong kinilalang isang 30 anyos na truck driver, at residente ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property, alinsunod sa Article 365 ng Revised Penal Code. Itinakda ang piyansa sa halagang ₱30,000.00.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng Sta. Barbara MPS habang isinasagawa ang kaukulang legal na proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments